Binigyan ni LeBron James ng dramatic win ang Cleveland Cavaliers sa Game 5 matapos ang game-winning three-pointer sa buzzer.
Pero tingin ng Indiana Pacers, goaltending violation ang supalpal ni James sa driving layup ni Victor Oladipo na maaaring nagpabago sa resulta ng laban.
Isinalpak ni James ang buzzer-beating three tungo sa 98-95 win at 3-2 edge ng Cavs kontra Pacers.
Bago rito, sinupalpal muna ni James ang tira ni Oladipo. Sa replay, tila naunang tumama ang bola sa backboard bago ang supalpal – malinaw na goaltending violation.
Pero walang pito ang referee, tuloy ang laban at nanalo ang Cavs. Sa dugout ng Indiana, iginiit nina Lance Stephenson na dapat tinawagan ng referee goaltending violation si LeBron.