Super Bowl halftime show: mga fan nadismaya

Bukod sa pukpukan at balibagan sa field, ina­abangan tuwing Super Bowl ang commercials at halftime performers ng pinakamalaking laro ng NFL.

Hindi naiba Linggo ng gabi sa Mercedez-Benz Stadium sa Atlanta sa Big Game ng New England Patriots at Los Angeles Rams.

Headliners ng Super Bowl LIII Pepsi Halftime Show ang US pop group Maroon 5, kasama sina rappers Big Boi at Travis Scott.

Kasama sa binanatan ng Maroon 5 ang ilan sa hits nilang ‘This Love,’ ‘Girls Like You,’ ‘She Will Be Loved’ at ‘Sugar.’
Naghubad ng pang-itaas si lead singer Adam Levine at nakita ang kanyang katawan na balot ng tattoos.

Spongebob Squarepants animation ang nagpakilala kay Scott, binuga ang hit song niyang Sicko Mode bago patalikod na bumagsak sa crowd.
Pagkatapos ng halftime show, pasabog ang fireworks sa stadium.

Sa Twitter naglabas ng pagkadismaya ang fans.

Isa ang nagsabi, “All time Worst ever half time show,” may isang nagtweet: “Very poor. The fact he had to strip to distract fans from the poor showing speaks volumes.”

Bago ang Super Bowl, nagbabalyahan ang mga kompanya para makakuha ng commercial slot.
Ngayong taon, hindi nawala ang Bud Light beer na may tema ng Game of Thrones, ginamit ng social/dating app si Serena Williams sa ads.