Super drink ni Chariz mabisa kontra nCoV

Super drink ni Chariz mabisa kontra nCoV

NI: ROLDAN CASTRO

Mainam na mag-ehersisyo, kumain ng masustansyang pagkain, at panatilihing malusog ang pangangatawan . Ito ang kailangan sa panahong may lumalaganap na coronavirus.

Bukod sa mga home workouts na maaaring gawin para magpalipas oras, mabuti rin na alamin ang mga alternatibong pagkain na magbibigay sa atin ng lakas. Gaya na lamang ng super drink ni Chariz Solomon na pwede raw alternatibong source ng Vitamin C.

Madaling hanapin ito sa kusina kahit nasa ilalim ng extended community quarantine ang Metro Manila at Luzon,

Ang tatlong ingredients ng ‘super drink’ ni Chariz ay luya, kalamansi, at pampatamis. Magpakulo lamang ng luya ng ilang minuto, i-strain, pigain ang kalamansi at lagyan ng honey o kung anong pampatamis.

Ayon pa sa Descendant of the Sun star, mabisa raw ang inumin bilang immunity-boosting at anti-inflammatory na nakakagamot ng sore throat, ubo, sipon, at pagkahilo.