Pagkatapos ng Game 2 ng PBA Philippine Cup semifinals ng San Miguel Beer at Phoenix, ipinahinga ni coach Leo Austria ang gunner niyang si Marcio Lassiter.

Inabot ng back spasm sa praktis si Lassiter, hindi na ginamit para hindi lumala.

Nasa sidelines lang siya sa Games 3 at 4, inupuan ang avera­ges niyang 19 points, 4.5 rebounds at 2.5 assists sa first two games.

“I always wanna be on the court. I don’t usually miss games,” ani Lassiter. “Usually I can play through injuries, but this is probably the only time I real­ly got injured I had to sit out.”

Sa 105-94 win ng Beermen sa Game 5 na nagsara sa series 4-1, sinubukang inilaro si Lassiter. Nakapagsumite ang Fil-Am swingman ng 3 points sa 1 of 2 shooting, may 2 rebounds sa loob ng 7 minutes.

Ilang araw ring maghihintay ang SMB ng makakaharap sa Finals mula sa mananaig sa hiwalay na serye ng Magnolia at Rain or Shine.

“I gave him a few minutes just to feel the pressure of the game,” ani Austria sa kanyang sniper. “But I’m sure in the Finals, he will be okay. Hopefully.”

Habang nakaupo si Lassiter, matikas na pinunan nina Matt Ganuelas-Rosser, Von Pessumal at Ronald Tubid ang kanyang puwesto.

“I feel like it’s bitter-sweet, because it’s great to see Matt Rosser step up, Von step up, a lot of guys who don’t play a lot but were able to make some plays and prove they can play,” panapos niya. (Vladi Eduarte)