Kakaibang kislap ang naganap nitong Martes ng gabi sa bansa matapos magningning ang ‘super snow moon.’

Naitala ang pinakamalapit na distansya ng buwan sa kalupaan ngayong 2019 at tuluyang naging full moon bandang alas-11:54 ng gabi.

Tinatayang 221,681 miles lamang ang layo ng buwan sa Earth at nasilayan ito ng 14% na mas malaki at mas maliwanag ng 30%.

Ang nasabing pinakamalaki at pinakamaliwanag na full moon na nangyari ngayong taon ay nasaksihan ng mga Pinoy sa bansa maging sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kanya-kanya namang pagpi-picture at pag-share sa social media ang mga Pinoy sa nasilayang super snow moon kung saan nag-trending din ito sa Twitter Philippines.

Ang ‘snow moon’ ay nagmula sa Native Americans at Europeans dahil sa nararanasang heavy snowfall sa ikalawang buwan ng taon.

Abangan ngayong Marso ang ang isa pang super moon.