Super Tekla ‘di suportado ni Boobay?

Super Tekla ‘di suportado ni Boobay?

Sa kauna-unahang pagkakataon ay bibida sa pelikula ang komedyanteng si Super Tekla.

Marami ang nagtatanong kung susunod na ba siya sa yapak ni Vice Ganda na wagi sa takilya ang pelikula? O, siya ay magiging ka-level ng komedyanteng sina Joey Paras at Shalala na isang pelikula lang ang pinagbidahan?

Iniintriga rin kung bakit hindi nababanggit si Boobay sa kanyang pelikulang “Kiko En Lala”. Hindi ba siya isinama? Wala bang suportang ibinigay ang kanyang ka-tandem sa “The Boobay and Tekla Show”?

Umaasa naman ang isang netizen na baka surprise guest ito.

Anyway, dalawang role ang gagampanan ni Super Tekla bilang conjoined twins na si Kiko at si Lala.

Si Kiko ay matikas at maskulado, habang witty naman ang karakter ng beking si Lala. Dahil sa kanilang kondisyon ay ipinasok sila sa isang carnival bilang “Kambal Karnibal”. Kabilang sa makakasama nila sa pelikula ay ang aktres na si Kim Domingo na gaganap bilang Aning. Si Aning ay ang pinapangarap na babae ni Kiko. Makakasaman rin sa pelikula sina Derrick Monasterio, Kiray Celis, Jo Berry at Vangie Labalan. May espesyal din na role ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas. Ang pelikulang ito ay sa ilalim ng direksyon ng multi-awarded director na si Adolfo Alix Jr., at ipapalabas nationwide sa Setyembre 25.