SIYA ba ang perfect example ng kasabihan na “he had his chance but he blew it”?
Iyan ang tanong ng loyal Kapusos at televiewers ng Wowowin para sa gay comedian na si Super Tekla.
For a time, alam mong nag-click si Tekla, pati na rin ang ka-tandem niyang si Donita Nose.
Ibang klase ang kanilang pakwela at tirada na nakapagpatawa at nagpa-good vibes sa mga manonood.
Isa pa, ang kanyang outrageous at avant garde outffits of the day, inaabangan kung paano niya i-pu-pull off ang kanyang pagmamaganda.
May pagkakataong na pinag-comparison at contrast ang outlandish styling nila ni Di Kagandahang Bisyo.
Kung si Vice Ganda ang high end, si Super Tekla ang pang-hoi polloi when it comes to wearing dresses na kaya nilang dalhin at pangatawanan.
Every thing seems to be rosy sa kanyang karera. Tapos, ni hindi pa yata nakakaisang taon sa malaganap na programa ang bekibelle, gone with the wind at gone too soon na ito.
Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, sinagot ni Tekla ang mga isyung ibinato sa kanya.
Tungkol sa pagkakaalis sa programa ni Willie, “Yung nangyari sa Wowowin… it’s wake-up call sa akin na dapat sigurong meron akong baguhin sa sarili ko.”
Anu-ano ba ang mga dapat niya bang baguhin niya sa kanyang sarili? Sa panandalian niya bang stay sa Wowowin, lumaki na ba agad ang ulo nito?
Hindi kumilos ayon sa kanyang ganda? Nagsuplada kahit wala siyang pribilehiyo?
Malakas ang bulung-bulungan ng mga hitad at katkatera na kaya siya lost in space most of the times, back to his former self si Tekla.
Totoo bang sugarol ito at bumalik sa mga ipinagbabawal na bisyo?
Ang sagot niya sa panayam, he is into playing bingo at hindi niya inisip na form of gambling ito kasi nga, “`Di ba, sa mga fundraising, mayroon namang bingo?”
Mariin ang pagtanggi niya tungkol sa paggamit ng ipinagbabawal, “Bakit pa ako babalik du’n? Ang taong nagda-drugs or if you’re intoxicated ng drugs, hindi ka makakapag-isip nang maayos.
“`Pag once on drugs ka, lutang ka, eh. Pinagdaanan ko na ‘yon.”
Hindi napigilin ni Tekla na maging teary-eyed at emotional, lalo na’t grabe ang mga birada at ratrat sa kanya sa iba’t ibang social networking.
Lahat, may bonggang-bonggang opinyon dahil sa alleged “ka-negahan” niya.
Ang kanyang tonight I play the greatest performance of my life paandar with real tears, “Suutin n’yo muna ‘yung sapatos ko para malaman n’yo ang pinagdadaanan ko.”
Ang taray ni Diwata ST… is he chanelling his inner Kris Aquino?
Parang ginamit na ni Tetay the great dati ang linya na iyan. Wala ka bang mas original?
Siyempre, to end the TV panayam with more dramatic notes, ang mensahe ni Super Tekla para kay Willie Revillame at sa buong Wowowin…
“Nami-miss ko ‘yung Wowowin, of course, minahal ko ‘yon, sobra…
“Kuya Willie, never akong magtanim ng sama ng loob. Kasi, ‘yung ibinigay mo sa akin, though not financial, inaani ko na siya at aanihin at aanihin.
“Kasi, sabi ko nga, hindi na ako mahihirapang magsimula.”
Ang biglaang pagkakakilala kay Super Tekla at ang agad-agad niyang pagkakatanggal sa Wowowin, may mga aral tayong makukuha.
Laging sinabi sa showbiz na dapat, mahal mo ang trabaho mo, pati na rin ang mga kasama mo sa trabaho.
Kung sinu-sino ang mga kasama mo noong nasa itaas ka at kung sinu-sino ang mga makakasama mo `pag nasa ibaba ka, dito mo malalaman kung sinu-sino ang mga taong mahalaga at nagpapahalaga sa ‘yo.
Some lessons are indeed learned the hard and painful way.
At least natikman niya kahit panandalian ang pagiging sikat in his own right…si Alwin Ignacio hoping for the shining star pa rin. LOL…Pero dapat naman, you learned your lessons na Super Tekla.
yang bakla talagang bakla na wala kang aasahan,,,,
grabe talaga ang generalization mo ano? Kaloka…
kung hindi ka nale-late sa show lalo na sa rehearsals, hindi mapapansing nagsusugal o nagbibinggo ka kuno. lagi ka puyat at inaantok sa backstage kaya ayun binigyan ka ng endo ni kuya wil.