Supladitang aktres wala nang career

One time, nasa Shangri-La Plaza kami at nakasalubong namin sa escalator ang kilalang young actress na ito. Paakyat kami ng 3rd floor at pababa naman ng 2nd floor ang actress. Nang magtapat kami sa gitna, binati namin ang aktres by cal­ling her name na hindi man lamang namansin.

Siyempre, nagulat kami dahil hindi namin ‘yon inaasahan sa aktres. Hindi man lamang tumingin sa bumati sa kanya dahil pinagkaabalahan nito ang hawak niyang cellphone.

Now we know kung bakit malayo sa kanya ang mga fan dahil sa kanyang pagka-supladita.

Malamang na nagpi-prima donna rin ito sa set kaya malayo rin ang loob sa kanya ng mga tao.

No wonder, halos wala nang matanggap na proyekto ang supladitang aktres na ito dahil sa kanyang pag-uugali. Kung tutuusin ay wala na siyang career ngayon. (Aster Amoyo)