Dapat mag-step up sa kakulangan ng suplay ng tubig.

Hindi lang dapat umasa sa mga dam para mapunuan ang kakula­ngan ng suplay, ayon kay Deputy Majority Leader at Kabayan Party-list Rep. Ron Salo

Kinumpirma ng Manila Water Company, Inc., na hanggang kahapon ay mahigit sa 50,000 kabahayan sa Mandaluyong, Pasig, San Juan, at Quezon City ang nakakaranas ng water interruptions.

Nitong Linggo, Marso 10 may mga lugar sa Quezon City, Makati, Marikina, Pasig, Pateros, Taguig, Mandaluyong, San Juan at mga bahagi ng probinsya ng Rizal ang nakakaranas ng mahinang pressure o talagang walang supply ng tubig.
Inihayag ni Salo na ang Pilipinas bilang arkipelago ay napapaligiran ng katubigan at binibisita ng average na 20 bagyo kada taon pero lagi pa ring kinakapos sa suplay ng tubig mapapanggamit man sa mga bahay o sa agrikultura.
Kaya naman kinakailangan aniyang kumilos at maaktuhan ito sa lalong madaling panahon.

“For the immediate El Niño drought conditions, we need quick-deploy solutions, such as mobile desalination and water purification assets like the ones deployed during the Yolanda and Ondoy crises. Such assets can provide water for drinking, irrigation, and cleaning uses,” mungkahi ni Salo.

Sinusuportahan ng solon ang pagpopondo ng mas maraming small water impounding system at mini-hydro facility dahil mas maliit umano ang impact nito sa kapaligiran kumpara sa malalaking mga dam.

“When it is rainy season, our dam water overflows, while during El Niño summers water pressure drops and farm field are parched dry. Everyone’s affected,” ani Salo.

“For medium-to-long-term solution, water purification plants can be built on the banks of Laguna de Bay and other inland freshwater zones that are not integrated protected areas, while desalination plants would be near shores that are also not covered by our environment protection laws. With current technologies, we can definitely find long-term solution to our country’s water concerns,” dagdag nito.