Bakit nga ba tahimik ang ibang senador at kongresistang kasapi ng Liberal Party (LP) sa kalbaryong kinakaharap ni Sen. Leila de Lima?
Paliwanag ni Sen. Paolo Benigno ‘Bam’ Aquino IV, hindi naman natatakot ang mga miyembro ng LP na madamay sa umano’y galit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay De Lima kaya marami sa kanila ang tahimik sa isyu.
Ayon kay Aquino, nagsasagawa pa ng rebuilding ang LP matapos na lumayas sa partido ang maraming miyembro.
“At this point, nag-iimbentaryo pa kung sino ba ‘yung natira sa partido at sino umalis sa partido,” paliwanag ng senador.
Ang suporta umano kay De Lima ngayon ay “individual basis” pa lamang dahil hindi pa sila nakakabuo ng party position bunga ng isinasagawang rebuilding.
“The type of support I think given is really on individual basis,” ayon sa senador.
Ang mga kasapi ng LP sa Senado ay sina Aquino, Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon, Senate Minority Leader Ralph Recto, Sen. Risa Hontiveros at De Lima.
Sinabi pa ni Aquino na nasa balikat ngayon ni Vice President Leni Robredo ang trabaho para sa rebuilding ng partido matapos ang mass defections sa PDP-Laban ni Pangulong Duterte.
belat!!!!! nganga na ang LP. pati mga trolls nila parang mga mukhang tanga lang ngayon. lahat ng bayarang trolls ng LP absent sa trabaho nila para magmiting bumuo ng strategy. waaaaa!!!!!
haha wla n kayong kmandag mga LP…