Supply ng bigas tiniyak ng DA

Tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na may sapat na bigas sa bansa sakaling magpatuloy ang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.

Ayon kay Dar, may sapat na imbentaryo ng bigas na tatagal ng 80 araw at bilang paghahanda ay inatasan na rin niya ang ibang opisyales at tauhan ng tanggapan na magsagawa ng action plan para matiyak ang sapat na pagkain at supply bilang paghahanda kung sakaling ang sitwasyon ay lumala.

“You have to look at various scenarios. Let us plan proactively and food supply will always be one of those that needs to be properly managed,” ayon kay Dar.

Bukod sa bigas ang mga pang-araw-araw na mga commodity gaya ng gulay, prutas, itlog, isda, baboy ay babantayan din.

“We are anticipating something that might cause the discruption of food supply. Strategically positioning means ensuring that supply is available and enough,” ani Dar. (Riz Dominguez)