Support cast ng Lady Stags pipigain

Mga laro ngayon (Filoil Flying V)
8:30 a.m. — EAC vs. Benilde (jrs)
10:00 a.m. — EAC vs. Benilde (m)
11:30 a.m. — EAC vs. Benilde (w)
1:00 p.m. — JRU vs. San Sebastian (w)
2:30 p.m. — JRU vs. San Sebastian (m)

Wala ang dating mabangis na porma ni Grethcel Soltones, pipigain ni San Sebastian coach Ro­ger Gorayeb ang support cast ng Lady Stags sa pakikipagtipan sa Jose Rizal U sa pagpapatuloy ng 92nd NCAA women’s volleyball sa Filoil Flying V Center sa San Juan ngayon.

Aasintahin ng Lady Stags ang panlimang sunod na panalo para manatiling tanging unbeaten team na lang sa liga. Kapag nawalis ang single-round eliminations ay diretso sa best-of-three finals ang Baste.

‘Di tulad ng mga nagdaang seasons, nag-a-ave­rage lang ngayon si reigning MVP Soltones ng 16 points – pangalawa sa 17 hits per game ni league scoring leader Francesca Racraquin ng San Beda.

Sina Joyce Sta. Rita at Katherine Villegas ang mangunguna sa support cast ni Soltones.

“This is a sport team game, so we have to perform as a team and not rely too much on individual talent,” rason ni Gorayeb.

Huling mga laro ng Baste ang Perpetual (Jan. 11), Lyceum (Jan. 23) at defending champion St. Benilde (Jan. 25). Nalusaw ang misyong sweep ng Lady Blazers nang sorpresahin ng Lady Pirates, 25-22, 24-26, 25-19, 20-25, 15-10, noong Miyerkules.

Muli ay si Shola Alvarez ang mamumuno sa atake ng Lady Bombers na magtatangka sa pangatlong panalo.