Support team bubuuin para sa mga Olympian

Usap-usapan sa Philippine Sports Commission ang pagbuo ng ilang working group, kabilang ang sports science experts na susuporta sa mga Pilipino Olympians sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa Hulyo 24-Agosto 9.

Kada support team ay may sports psychologist, nutritio­nist, strength and conditioning coach, physical therapist, at iba pang eksperto sa sports scienc­e base sa pangangaila­ngan atleta o sports niya.

Sa kasalukuyan sina Universiade/Asian Athletics Championships men’s pole vault gold medalist Ernest John Obiena at World Artistic Fymnastics Championships men’s floor exercise gold winner Carlos Edriel Yulo pa lang ang mga atletang qualifier sa quadrennial sportsfest.

Asam dito ng bansa na matapos na ang may 95 taong pagkabokya sa medalyang ginto o sapul pa sa 1924 Paris Olympics. (Lito Oredo)