SUPPORTING actress na naging pulitiko, naging nuknukan ng arte dahil sa kanyang dyowa na nasa position hanggang ngayon. Dati, one of those lang siya. Friend ng bida, friend ng kontrabida, o kasama lang sa gang.
Basta, hindi meaty ang kanyang role.
Nagbilang siya ng boylet before siya ibinahay ni Mr. Politics. Ngayon, keber siya sa mga chismiz na escabeche lang siya. Syubitzkaya Bakod. Waiting to be #1.
In short, kabit.
Taas-noo lang siya. Sa loob-loob niya, “Eh ano ngayon kung kabit ako?! Inggit lang kayo dahil marami akong pera!”
Tama si ate. Mamatay ang mga tera (short for inggitera) daffon.
At dahil richie-richie na si ate, nabibili niya lahat ng gusto niya.
Cars, jewelry, designer outfits, shoes, bags, watches, state of the art gadgets.
Have siya, basta expensive. Specially sa make-up!
Kaya sa kilalang salon nagpapamasilya si ate ng fez niya na ga-monay.
Eto na ang eksena sa yayamaning salon…. Start the make-up ang beautician na bading…
Sey ni ate, “Anong brand ‘yan?”
Tiningnan ni ate ang ilalim ng case bago siya nagsabi, “Ayaw ko ‘yan! Local! Baka masira ang fez ko! Ito ang gamitin mo, galing-UK ‘yan!”
Ginamit ng bading ang foundation from UK.
Next step, powder…
Itinulak ni ate ang kamay ng beki. Ganu’n ulit ang tanong.
To make the story short, pang-yayamanin lang ang dapat gamitin sa mukha niyang malapad.
Baka raw kasi siya mangati kapag local o hindi kilalang imported brand.
Eto na, may ginamit na concealer at blush on si beautician.
Aba! Wah emote si ate!
Look ni ate ‘yung brand at lalagyan.
Kinabahan si bading. Para siyang hihimatayin.
Biglang nanlaki ang mga mata ni ate at napabulalas, “Oh my God! Gusto ko ito! Where did you buy it? Bago ba itong labas nila? Wah pa ako nito!”
Nagustuhan ni ate! Aprub sa kanya!
Hirit ni ate kay gay beautician, “Sa akin mo lang gagamitin ito, ha?”
Masayang-masaya si Ate Kabitchina kaya binigyan niya si bading ng bonggang tip.
Pag-alis ni other woman, napautot sa katatawa si baklush.
Eh kasi naman, ‘yung make-up na nagustuhan ni ate ay fakeeeeee!!!
Binili niya ito sa underpass ng Quiapo!
1 pang Mr. Politics kasapi
sa Pink community
Dahil uso na naman ang sex scandal sa mga nasa political arena, maki-join tayo.
Ready, get set… go!
Nahalal uli si kuya sa isang mataas na position. Happily married (daw?) siya.
Kiyemeru chururut na mahal na mahal na mahal niya ang kanyang misis.
Pero bakit up to now, hindi matigok-tigok ang isyu kay kuya na kasapi siya sa Pink community.
Walang humpay ang pagdududa sa kanyang pagkalalaki.
Patuloy ang chika-chika na may bahid siya ng gandang-Diwata at lansang-Sirena.
One day, isang araw… isang basketball team na may hawak pang bola ang tumungo sa isang resort na tago.
Wala namang basketball court doon. Walang ibang guests.
Pero may muse… si kuya na nasa position!
Hindi knows ng mga basketbolista na politician si kuya.
Akala nila, may laro. ‘Yun pala, si kuya ang lalaruin nila.
Bumaha ng lafang at alak!
Kaya sugod naaaa! Iira na!
Hanggang nalango sila at naghubaran na.
Tuwang-tuwa sa galak si kuya! Iyun ang hinihintay niya.
Pero si kuya pala… sight lang at touch ang gusto.
Ayaw sumubo. Ayaw pumosisyon na ‘pinaupong manok.’
Inumaga ang kasiyahan at landian nila.
Nai-dribble ni kuya lahat ng ‘bola’ na gustong laruin ng kamay ni Hilda.
Paggising ng mga basketbolista, wala na si kuya.
May mamang lumapit at nag-abot ng sobre na may datung.
“Hati-hati kayo,” chika ng mama.
Aba! Bongga ang pakimkim ni kuya, ha?!
Kaya nagpasalamat ang mga basketbolista at tinanong kung ano ang pangalan ni kuya.
Wah say ng mama.
A few days later, ang isa sa mga basketbolista, nanood ng news sa TV.
Ayun! Si kuya, ini-interview sa kaugnay sa isang kaganapan sa lupang hinirang.
Shocking Asia si basketbolista.
Hindi makapaniwala na ang malanding sponsor na kapiling nila sa isang gabing maligaya, isa palang iginagalang na pulitiko!