Nakatalon na si supporting actress sa 3 tv station at tinatanggap niya kahit very small role.
Ang competition motto niya, “Kahit maliit na role, OK lang basta may bayad.”
Ganu’n din ang jowa niya na full support sa mga bida.
Bata pa nang sila’y magkakilala. Hindi kagandahan si girl kaya sinagot niya agad-agad si actor na pogilicious.
Ikinasal sila at nagkaroon ng mga anak. Kayod to the max sina ate at kuya. Kahit umagahin sa pagkayod, OK lang basta para sa pamilya.
Sa ngayon, work-work-work pa rin silang dalawa. Minsan, dumating din sa buhay nila ang waaah raket.
Inubos nila ang oras sa pagdyi-gym, running, walking at exercise mula morning to evening.
One time sa isang coffee shop, nagmemeryenda ang mag-asawa nang may lumapit na beking may dalang invitation para sa premier night ng isang pelikulang pambata.
Lumapit ang beki at masuyong iniabot ang invitation kay actress.
Biglang chumika si aktres kung ano ‘yung ibinigay ni vaklah. Chika kung chika si beki na pambata ‘yung muvi at may give aways pa.
Ask ulit si ate, “Magkano?”
Sagot si bading, “Wala po pero maraming ipapamigay!”
Tanong ulit c ate, “Kahit pan-transpo, wala?”
Answer ni bading, “Wala po, eh.”
Pagalit na ibinalik ni actress ang imbitasyon kay bading sabay irap at hinatak na paalis ang jowa na tiningnan ang napahiyang beki na parang gustong mag-sorry.
Takang-taka ang bading kung bakit nagalit si actress.
Buti nga raw, in-invite sila.
La Ocean Deep na, feeling-sikat pa kung mag-inarte!