Supremo S-Maxxx Feeds sa World GameFowl Expo

USE-THIS-ELECH-DAWA-DALUSAPI

Dumating na ang araw na hinihintay niyo mga kasabong, ang World GameFowl Expo (WGE) 2019. Tiyak na dadagsain na naman ito dahil maraming mga sikat na sabungero at bree­der ang naimbitahan dito. Pagkakataon niyo nang makita nang harapan ang mga idolo ninyo at makakuha ng manok sa kanila sa abot kayang halaga.

Masisilayan na­ting mga kasabong ang SALTO Gamefowl Feeds at siyempre ang sikat na endorser ng Supremo S-Maxxx Feeds – Infinity na si Biboy Enriquez at ang malupit na mananari at magandang si Robie.

Magsisimula nga­yong araw ang WGE 2019 at matatapos ito sa Linggo, kaya kita-kits mga kasabong sa Halls A,B,C & D ng World Trade Center sa panulukan ng Roxas Boulevard at Buendia, Pasay City. Nakaraang taon siksikan sa loob ng mga Hall dahil sa dami ng dumalo kaya walang dudang mauulit ang tagumpay ng WGE.

Nandiyan din ang Team BMeg Integra Powermaxx at mga tropang Tata Excellence, kaya tara na mga kasabong.
***

Congratulations sa mga tropa nating sabungero na nagpanalo noong Linggo sa Pasay Cockpit at Mandaluyong Cockpit, sana magtuloy-tuloy ang suwerte niyo ngayong Enero, kundisyon nang kundisyon para may ilalaban tuwing Linggo.
***

Malapit na rin ilarga ang 2019 World Slasher Cup, alam ko pinaghahandaan ninyo ang nasabing event dahil mga bigatin at champions ang kasali.