Halos magkasunod na niyanig ng magnitude 4.6 at magnitude 4.1 ang Surigao City at Occidental Mindoro kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), unang tumama ang 4.6 magnitude na lindol sa Surigao del Norte, dakong alas-6:22 ng umaga.

Naramdaman ang pagyanig 13 kilometro (km) sa hilagang kanluran ng Malimono, Surigao del Norte, may lalim itong 6 km at tectonic ang origin.

Kaugnay nito, dakong alas-6:50 ng umaga naman nang yanigin ng magnitude 4.1 na lindol ang Occidental Mindoro na naramdaman ang sentro nito 30 km sa timog kanluran ng Looc.

Wala namang iniulat na nasaktan o napinsalang ari-arian sa mga nabanggit na lindol.