Surigao congressman nagpa-drug test

Personal na ­nagtungo kahapon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Surigao del Norte Rep. Ace Barbers para kusang-loob na magpa-drug test.

Ayon kay Barbers, ginawa niya ito upang ipakita sa publiko na hindi gumagamit ng droga ang mga kongresista.

Kaakibat din umano nito ang inihain niyang re­solusyon sa Kamara na humihimok sa mga kasama­hang kongresista na sumailalim sa drug test subalit ilan sa mga ito ang tumanggi.

Sinabi ni Barbers na kung wala naman aniyang itinatago ang mga ito ay walang dapat ipag-alala at kailangang sumalang na lamang sa drug test para mawala ang pagdududa ng publiko na mayroong mga mambabatas na gumagamit ng droga.

Personal na inasistehan si Barbers ng laboratory service ng PDEA para sa drug test. Makalipas ang limang minuto ay lumabas na negatibo ito sa droga at binigyan ng sertipiko na malinis siya sa illegal drugs.