Surigao del Norte, 4 beses nilindol

Apat na magkakabuntot na lindol ang tumama kahapon sa lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon sa earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumama ang unang lindol na may lakas na magnitude 2.8 bandang alas-3:02 ng madaling-araw sa bayan ng Del Carmen.

Sinundan ito ng magnitude 3.1 sa pareho ring lokasyon bandang alas-4:01 ng umaga.

Mas malakas na paglindol ang tumama bandang hapon kung saan naramdaman ang magkasunod na  magnitude 3.2 at magnitude 3.5 bandang ala-1:45 ng hapon sa silangan ng General Luna, Surigao del Norte.

 Ayon sa Phivolcs, tectonic in origin ang sanhi ng magkakasunod na pagyanig.