Surigao officials nadiin sa cash advances ng mayor

Dalawang opisyal ng Tagana-an, Surigao del Norte ang nadiin sa kaso dahil sa kaluwagan sa alkalde ng kanilang bayan na panay ang cash advance kahit hindi nakakapag-liquidate.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, may sapat na basehan o probable cause para kasuhan sina municipal accountant Rico Navarro at treasurer Eriberto Cabanan Jr.

Nag-ugat ang kaso ng dalawa sa mga cash advances ng dating alkalde ng Tagana-an at ngayo’y Vice Mayor Cesar Diaz kahit hindi pa ito nakakapag-liquidate ng kanyang mga unang kinuhang pera sa munisipyo.

Umaabot umano sa P5,223,014.00 ang cash advances ni Diaz na hindi pa naili-liquidate kaya mayroon din itong hiwalay na kasong kinakaharap sa Office of the Ombudsman.