Inatasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang militar na kontrolin at patigilin na ang operasyon ng paramilitary groups kasabay ng nangyayaring peace talks sa pagitan ng pamahalaan at iba’t ibang rebeldeng grupo sa bansa.
“I am now ordering the Army to take full control itong mga Bagani Command,” ayon sa Pangulo.
Ang direktiba ay inilabas ng Pangulo sa pagbisitang ginawa sa Camp Vicente Alagar sa Cagayan De Oro kamakalawa dahil mistula na umanong walang pakialam ang armadong grupo sa peace initiatives.
Partikular na tinukoy na grupo ng Pangulo ay ang Magahat-Bagani Force na nag-o-operate sa Surigao del Sur at isa pang grupo sa Arakan, North Cotabato.