NGAYONG Miyerkules (October 12), sa ikala­wang bahagi ng I Juander Buwan ng Kababalaghan Horror Special, iimbestigahan nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ang mga lugar na pinaniniwalaang hindi lang tao ang nananahan, kundi pati mga aswang at espiritu.

Sa bayan ng Ternate, Cavite, may isang baryo raw kung saan ang mga residente, pawang mga aswang. Sa pagsasaliksik ng I Juander team, nakilala nila ang tatlong magkakaibang tao na may kanya-kanyang nakapangingilabot na kuwento tungkol sa naturang ‘baryo aswang.’

Samantala sa Bulacan, may dalawang subdivision na pugad umano ng mga espiritu at ele­mento. Sa Rosaryville sa bayan ng Guiguinto, talaga namang mapapadasal daw ang sinumang pagpapakitaan ng white lady na gumagala umano rito.

Sa Doña Cristina Homes naman sa Plaridel, isang kakaibang nilalang daw ang madalas din nagpapakita: ito ang binansagan ng mga nakatira roon na lala­king itim at nakunan pa raw umano ng litrato.

Ano kaya ang katotohanan sa likod ng mga kuwentong ito? Tutok na sa part two ng I Juander Buwan ng Kababa­laghan Horror Special, 8 p.m. sa GMA News TV.