Susi para sa hiling na kapayapaan

letter_to_editor-box

Dear Sir,

Patuloy pa rin ang pangingikil at pagsunog ng mga ari-arian gaya ng trucks at mga equipment ang mga rebeldeng New People’s Army sa kabila­ ng may nagaganap na peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NDFP.

Dapat tigilan na ng NPA ang masamang ­gawaing ito o ihihinto rin ang peacetalks ayon sa pahayag ni Pangulong Duterte.

Sabi pa ng mga komunista na kinakamkam daw ng mga sundalo ang kanilang lugar. Sabi naman ni Secretary ng National Defense Lorenzana, lagi na lang sinasabi ng mga ­rebelde na kinakam ang kanilang lugar. Pero sabi­ ni Pangu­long Duterte, ito ay ­Republika ng Pilipinas, ito ay ating bansa, wala­ ­silang sariling lugar dito­ at ako ang Presidente. Ang militar ay pupunta kahit saan dito sa ating bansa para ipatupad ang batas, sabi pa ni Secretary Lorenzana.

Dapat sana ay gawin na ang tama o itigil na ang masamang gawain ng mga NPA para magtagumpay na ang ikatatlong round ng negotiation na gaganapin sa ­Oslo sa susunod na buwan. At ­para makamtan na rin natin ang kapayapaan na matagal nang nawala sa ating Pilipino.

ALBERT SANTIAGO
Bulacan