Suspek sa Atio slay pasok sa WPP

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na opisyal ng nasa Witness Protection Program (WPP) ang mi­yembro ng Aegis Juris fraternity na si Marc Ventura para tumestigo laban sa kanyang mga ka-brod na umano’y responsable sa pagkamatay, dahil sa hazing, ng law student ng University of Santo Tomas (UST) na si Horacio (Atio) Castillo III.

Kinumpirma ni Assistant State Prosecutor Susan Villanueva na natanggap na nila ang sertipikasyon mula sa WPP na nasa pangangalaga na nila si Ventura.

Ikinagalak din ng mga magulang ni Atio na sina Carminia at Horacio Jr., ang nakatakdang pagsasalaysay ni Ventura sa DOJ kaugnay sa tunay na nangyari sa kanilang anak noong Setyembre 17, 2017 nang magpasya itong umanib sa Aegis Juris fraternity.

Noong Oktubre ng nakaraang taon, nagtu­ngo si Ventura sa National Bureau of Investigation (NBI) upang mag-apply sa WPP.

Sa kanyang affidavit na isinumite sa DOJ, tinukoy niya ang mga nasa likod ng hazing.

Sina Ventura, na secretary ng Aegis Juris, Balag at Hipe ang umano’y itinuturing na Big Three ng nasabing samahan.