Kakasuhan hindi bilang menor de edad ang itinuturong suspek na pumatay kay Christine Silawan na binalatan ang mukha sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Batay kay Chief Supt. Debold Sinas, director ng Police Regional Office-Central Visayas, magbibigay umano ang Department of Social Welfare and Development ng sertipikasyon na nagsasaad na naiintindihan ng suspek ang ginawa nito.

“Wala pa mi kakuha sa full results pero iyahang mental ability showed that he is above average. So therefore he knows what he is doing, and ma-filan gyud siya ug kaso,” ani Sinas.

Dahil dito, hindi umano magagamit ng suspek ang edad nito bilang 17-anyos para iwasan ang pananagutan sa batas, “Kay ang assessment sa DSWD nga he will be charged as an adult already,” ayon pa sa opisyal.

Una rito, sinasabing dating nobyo ni Silawan ang suspek at selos umano ang motibo sa krimen.