Pinag-iingat ng Bacoor Component Police Station ang publiko sa bagong modus ng mga sindikatong sangkot sa ‘card skimming’ matapos madiskubre ang ginawa ng isang empleyado ng pizza parlor sa biniktima nitong customer gamit ang credit card ng huli.
Kinilala ang 20-anyos na suspek na si Blessie Jane Eleuterio.
Inaresto ang suspek matapos ireklamo ng biktimang si Bonifacio Ramos, 58, matapos kumain sa pizza parlor kung saan nagtatrabaho ang suspek gamit ang card nang bayaran ang bill na tumagal ng tatlumpung minuto bago naibalik.
Kamakailan ay nalaman ng biktima na na-debit ng P90,000 sa Baguio ang card nito kaya minanmanan ang suspek at nang maaktuhan sa aktuwal na paggamit ng skimming device ay mabilis na itong inaresto.