Namuhunan din sila sa negosyong Smart Padala dahil karamihan sa mga driver, trabahador at empleyado sa loob ng Harbour Center ay napipilitang pang lumabas ng port terminal upang magpadala, magbayad o tumanggap ng salapi sa kanilang mga mahal sa buhay.
Nang makaipon na ng sapat, nagpasiya ang mag-asawa na bumili ng segundamanong kulay pulang Ford Fierra na kanilang magagamit sa pamimili ng paninda lalo na’t mayroon na rin silang ibinebentang soft drinks at red horse beer sa kanilang carinderia.
Ang naturang sasakyan din na may plakang TTT-801 ang ginagamit ni Domeng sa pag-iigib ng malinis na tubig sa igiban sa labas ng Navotas Fish Port Complex malapit sa gasolinahan ng Petron na kanilang ginagamit sa kanilang carinderia.
Dahil kapwa masigasig sa trabaho at may diskarte sa paghahanapbuhay ng mag-asawa, unti-unting umunlad ang kanilang buhay kaya’t maayos nilang napagtapos ng pag-aaral ang tatlong anak ni Domeng sa kani-kanilang pinapasukang pamantasan sa lalawigan ng Batangas.
Kapwa nagtapos sa Lyceum of the Philippines University sina Maria Fe at Marisol habang sa Rizal College of Taal, Batangas naman ang bunso sa magkakapatid na si Morri