Bunga ng pagkalibang sa paghahanapbuhay, hindi na kinakitaan ng interes si Domeng na ipagpa­tuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo hanggang sa makilala niya ang babaeng unang nagpatibok sa kanyang puso sa tawag ng pag-ibig.

Tulad ni Domeng, isa ring taga-Bata­ngas si Celestina Barredo, ang babaeng maagang bumihag sa kanyang puso na kanyang nakilala nang mapagawi siya sa pamilihang bayan ng Lemery, Batangas.

May dalawang malaking puwesto ang mga magulang ni Celestina sa naturang palengke na pinakamalaking pampublikong pamilihan sa munisipalidad ng Leme­ry kaya’t tumutulong si Celestina sa pagtitinda ng mga uling, itlog, mantika at iba pa at dito sila nagkakilala ni Domeng.

Matinding pag-ibig kay Celestina ang labis na lumukob sa katauhan ni Domeng kaya’t kahit hindi pa siya handa na magkaroon ng sariling pamilya sa edad na 22, masigasig ang ginawa niyang pamimintuho sa dalaga sa pa­ngambang maunahan pa siya ng iba.

Dahil na rin sa kakaibang karisma ni Domeng, bukod sa pagkakaroon ng mabuting pag-uugali at kasipagan, tuluyan na rin niyag nasungkit ang pagmamahal ni Celestina na labis na nagpaligaya sa lalaki.

Attachments area