Suspension order pa vs JV, et al hinirit

Hindi tinatantanan ng Office of the Special Prosecutors ng Office of the Ombudsman si Sen. JV Ejercito matapos ihain ang pangalawang motion na humihi­ling na suspendehin ito ng 90-araw sa kanyang trabaho.

Sa dalawang pahinang Motion to Suspend Accused Pendente Lite na inihain ng OSP sa Sandiganbayan Sixth Division, hiniling ng mga ito na suspendehin sa trabaho, hindi lang si Ejercito kundi ang kapwa akusado nito na mayroong puwesto pa sa gobyerno na sina Leonardo G. Celles, Vincent Rainier M. Pacheco at Grace C. Perdines.

Ang mga nabanggit ay nahaharap sa kasong katiwalian sa Sixth Division kaugnay ng P2.1-million ­calamity funds na ipinambili umano ng lungsod ng mga baril noong 2008 na walang kinalaman sa kalamidad at hindi idinaan sa public bidding.