Suspensyon kay Carandang, ligal- Palasyo

Nanindigan kahapon ang MalacaƱang na balido at ligal ang ginawang pagsuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang at kung hindi ito susundin ay may naghihintay itong kaparusahan.

Sa harap ito ng pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na “unconstitutional” ang pagsuspinde kay Carandang kayat hindi nito ipapatupad ang naging aksiyon ng Malacanang.

Sinabi kahapon ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na naniniwala ang Palasyo na tama ang naging hakbang laban kay Carandang at korte lamang ang makapagpapasya kung labag ang ginawa ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Panelo, kung naniniwala si Morales na walang kapangyarihan ang Pangulo na patawan ng parusa ang Deputy Ombudsman, dapat ay kuwestiyunin niya ito sa korte na siyang magdedesisyon.

“Every official act is accorded the presumption of regularity. Until a competent court declares that such official act is in violation of the law and the Constitution, President Rodrigo Duterte’s order of preventive suspension from office of Deputy Ombudsman Carandang is presumed to be valid and legal. It behooves therefore the public official authorized to implement the order to enforce the same against respondent Carangdang. Any willful refusal to do so or any deliberate act impeding such enforcement may open the said official to administrative and criminal sanctions,” ani Panelo.