Dahil gahol na sa oras, nais ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers na pagtuunan na ng pansin ng Kamara at agad nang desisyunan kung itutuloy ba o hindi ang barangay at Sanggunian Kabataan (SK) Election sa Oktubre.
Sinabi ni Barbers na marami pang preparasyon na dapat isagawa kung itutuloy ang eleksyon kaya naman kailangan ay pagpasyahan na ito ng Kongreso, sinabi ng mambabatas na sa loob ng susunod na dalawang linggo ay dapat mayroon nang desisyon ukol dito lalo at nagsisimula na ang pagimprenta ng balota.
“Masasayang ang pondo ng gobyerno pero bandang huli hindi pala itutuloy,” paliwanag ni Barbers.
Si Barbers ay una nang naghain ng House Resolution 51 na naglalayong ipagpaliban ang 2016 barangay election.
Katwiran ng kongresista makatitipid ng bilyong piso ang pamahalaan kung maipagpapaliban ang eleksyon, ang malaking pondo umano na matitipid ay maaaring mailaan sa mas mahalagang proyekto gaya ng scholarships, pagpapagawa ng mga daan at school buildings.
Tabi tabi po.. Hindi ko po linalahat..
Weh hindi nga.. Kung hindi itutuloy to mas malaki ang mawawala sa sa pondo ng barangay sa Pilipinas. Bakit?.. Dahil mas malaki makukurakot ng Barangay Officials dahil madadagdagan pa sila ng isa pang taon… Ay nako….