Ayaw pang isuko ni House committee on dangerous drug chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang kanyang panukalang ipagpaliban ang barangay at sangguniang kabataan (SK) Election sa Oktubre.

Ginawa ni Barbers ang pahayag matapos sabihin ni House committee suffrage and electoral reform chairman Sherwin Tugna na malabong maipasa ang panukala bago magsara ang first regular session ng 17th Congress sa Hunyo 2.

Ayon kay Barbers, kung hindi maipasa sa loob ng susunod na tatlong linggo ang panukala ay maaaring balikan ng komite ang panukala sa Agosto ng taong kasalukuyan at maipasa bago dumating ang Oktubre.

Sa Oktubre 2017 ang itinakda ng Kongreso na eleksyon ng Barangay at SK matapos itong ipagpaliban noong nakaraang taon.

“Meron pang time, Puwede pang maipasa ‘yan between August at September,” ani Barbers na isa sa may akda sa tatlong panukala na iurong ang eleksyon sa Oktubre 2020.

2 Responses

    1. Baka yun mga drug lords ang magpipiyesta kasi kayang kaya nila magbigay ng pondo sa kandidato nila para sguraduhin manalo ang bata nila..dapat muna linisin ang illegal drugs na nagpipiyesta sa mga barangays…pagnawalis na ang mga drug lords then mag barangay election tayo..yan ang katotohanan na nangyayari sa barangay election..sana maisip yun ng atin mga mambabatas…