Binasted kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang motion for reconsideration na ipinasok ng Uber System Inc., gayundin ang kahilingan ng ilang mambabatas na bawiin ang ipinatupad na isang buwang suspension.
Sa tatlong pahinang desisyon, sinabi ng LTFRB na ang dahilan ng pagbasura sa mosyon ay dahil sa patuloy na pagpapalabas ng advertisement, pagtanggap at akreditasyon sa mga aplikante ng Uber sa kabila ng kasalukuyang ipinalabas na moratorium hinggil sa pagtigil ng kanilang operasyon.
Araw ng Lunes nang suspendihin ng ahensya ang operasyon ng Uber sa loob ng isang buwan dahil sa pagbalewala nito sa moratorium sa pagrehistro ng mga bagong sasakyan.
Ipinaliwanag pa ng LTFRB na ang ginawang hakbang ng Uber ay magbibigay daan lang sa karagdagang bilang ng mga kolorum na transport network vehicle services.
Kahapon ng umaga, pansamantalang hindi gumana ang Uber app bilang pagsunod ng kumpanya sa suspension order subalit gumanang muli ang app nito bago mananghali nang ihain ang naturang mosyon nito.
Gayunpaman, basted ang hirit ng Uber at tuloy pa rin ang suspensyon.
Nauna rito, ilang mambabatas ang humirit sa LTFRB na bawiin ang suspensyon.
Tinawag ni Sen. Sherwin Gatchalian ang naturang kautusan na isang “reckless decision” na nagbigay ng matinding pagkadismaya sa libu-libong commuters na walang ibang pagpipiliang mas komportableng transportation system.
“I have nothing against holding Uber accountable for its violations, but the suspension order goes too far. It puts the burden of punishment on the shoulders of commuters who have already suffered enough. Instead, the imposition of a larger fine on Uber for its violations would be a more equitable and reasonable punishment,” giit pa ni Gatchlian.
“To stop this situation from getting out of hand, I am calling on LTFRB to immediately recall the suspension order,” ayon kay Gatchalian.
Maging si Senator Grace Poe ay tinawag ding “cruel and absurd” ang suspensyon.
“The decision of the LTFRB to suspend Uber is both cruel and absurd, to say the least. I am aghast that this agency that committed before the Senate to resolve the issues has just imposed a cure that will only make the disease much worse,” ayon kay Poe, chair ng Senate committee on public services.
Giit ni Poe, hindi makakaresolba sa problema ang naturang hakbang ng LTFRB bagkus lalo itong nagpapalala sa problema ng kawalan ng maayos, ligtas at komportableng pagpipillian sakyan ang mga commuters.