Secret pa kung may susuporta o mag-corro­borate sa mga pasabog ni Edgar Matobato, isang self–confessed Davao Death Squad (DDS).

Ito’y matapos na tumangging kumpirmahin ni Senador Antonio Trillanes kung mayroon silang nakuha o hawak na indibidwal na mag-corroborate sa mga isiniwalat ni Matobato.

Ayon kay Trillanes, hindi niya maaring sabihin dahil maaring gapa­ngin pa ito kapag nalaman.

“Hindi natin puwedeng i-divulge ‘yang ganyan, kasi pag i-divulge maa­ring gagapangin, tingnan nalang natin,” tungon ng senador sa tanong kung mayroon nagpahiwatig na nais suportahan ang mga isiniwalat ni Matobato.

Isa si Trillanes sa tumulong sa pagbibigay proteksiyon kay Matobato matapos na tanggihan ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang hiling na isailalim sa protective custody ng Senado si Matobato.

Taliwalas sa pahayag ng mga kasamahang niyang senador na mara­ming butas at inconsistencies ang testimonya ni Matobato, giit naman ni Trillanes na wala siyang nakitang malaking butas sa mga sinabi nito.

Paliwanag ng senador, ang mga sinabi ni Matobato ay hindi pa masasabing hindi totoo dahil kailangan pa itong i-verify sa mga susunod na pagdinig.

“Puwede namang i-verify at dun na malaman kung totoo o hindi ang sinabi niya,” dagdag pa ni Trillanes.

2 Responses

  1. bwahaha!!! tanga at bobo na lang ang susuporta ke mato bato, kitang kita na ang pagsisinungaling, susuportahan pa…bwahaha…cgurado ako, tauhan ‘to ni mr dino…tanga din kc e! isang libo daw mahigit ang napatay nya…bwahaha…mr dino…meron ka ng kakampi…kapareho mo ding tanga…bwahaha