Pakiligin at busugin ang minamahal sa mga lugar na puwedeng bisi­tahin ngayong araw ng mga puso.

Hindi mawawala sa listahan ng mga magkakasintahan ang iba’t ibang parke sa lungsod. Una na r’yan ang sikat na Luneta Park sa Maynila na may magagandang tanawin at pahinga­han, kilala rin ang lugar dahil sa nakapalibot na museo rito gaya ng National Museum of Natural History at National Museum of Anthropology na parehong walang bayad at bukas para sa lahat.

Maaari naman kayong sabay na magbisekleta sa Quezon City Memorial Circle kung saan matatagpuan ang isang museo ni dating pangulo Manuel­ L. Quezon at ang mahabang linyang tiangge.

Hindi date ang date kung hindi kayo kakain kaya naman ito ang ilan sa puwedeng puntahan para sa masarap ng tsibog.

Unahin na natin ang sikat na kalye sa Quezon City, ang Maginhawa Street. Matitikman dito ang mga pagkaing local man o international. Kung Chinese vibe naman ang iyong trip, maglibot sa Binondo, Maynila o kung mayroong budget subukan ang dinner cruise mayroon nang eat all-you-can buffet.

Siyempre, para sa mga walang kasintahan, don’t worry! puwede naman kayong mag-family bonding ngayong Araw ng mga Puso, pumunta sa amusement park na matatagpuan sa Pasay City na sikat tuwing Valentine’s Day, discounted pa! Sa hala­gang 250 pesos ay maaari niyong ma-enjoy ang ride all-you-can experience­ ng lugar.

Masarap magmahal, kasintahan­ man o hindi. Kaya huwag niyong saya­ngin ang araw sa pagmumukmok. Bumangon at lumibot kasama ang mga mahal sa buhay.