SWAK NA PANG-NOCHE BUENA

Puto Bumbong

Bukod sa mga inaabangang mga regalo at karaniwang mga nagaganap na Family Reunion, School Reunion, Christmas Party ng opisina na may mga raffles ay pinaka aabangan din ang mga pagkain na madadatnan sa mga okasyong ito lalo naman na sa mismong Noche Buena, narito ang lima sa mga pagkaing masarap na ihanda sa darating na Kapaskuhan na gustung-gusto kong kainan at paano ito ginagawa na siguradong mabasa mo palang ay magla­laway ka na.

chicken-macaroni-saladPagkatapos na maluto sa pamamagitan ng pagpapakulo ng macaroni ay i-drain ito at ibukod muna saka maghanda ng mga ihahalong ingredients, kabilang ang itlog, ham, raisins, pinakuluang manok na himay na, keso, crush pineapple kasama ang packing juice nito, sweet pickle relish, carrots, onions, mayonnaise at sweetened condensed milk.

Pagsama-samahin ang mga ito kasama ang mismong macaroni sa isang malaking bowl at i-distri­bute ng pantay, matapos na maingat na hinalo ay lagyan ito ng sakto lang na dami ng asin at paminta saka tikman kung sakto na sa gusto mong lasa, ila­gay sa fridge saka palamigin. At taraaaan! May Chicken Macaroni Salad ka na!

Lengua Estofado
Lengua Estofado

Ang mga sangkap nito ay ang mga sumusunod: 2 lbs. Ox tongue, tenderized and sliced, 1 cup tomato sauce, 1 pc large potato, peeled and thinly sliced (crosswise), 1 tsp garlic, minced, 1 medium sized onion, diced, 1 beef bouillon cube, ½ cup green ­onions, chopped, ½ cup green olives, 2 cups white mushrooms, sliced, 1 tbsp oyster sauce (optional), 1 cup cooking oil at 3 cups water.

Igisa ang bawang at sibuyas at pagkatapos ay ilagay ang Ox Tongue saka iluto ng ilang minuto, kapag luto na ay ilagay ang tomato sauce, beef cube at lagyan ng tubig saka pakuluan ng isa hanggang 1½ oras, dagdagan ng tubig kung kinakailangan.

At habang hinihinatay ito ay kumuha ng bukod na kawali, lagyan ng mantika at iprito ang patatas, kapag luto na ito ay tanggalin ang mantikang ipinangprito sa patatas saka ihalo ang mushroom at isangkutsa, ilagay ang oyster sauce at iwanan pan­samantala.

Balikan ang Ox Tongue at kung malambot na ito ay lagyan ito ng asin, paminta at green olives saka pakuluan sa loob ng limang minuto at pagkatapos ay ilagay sa ibabaw ang piniritong patatas at sinangkutsang mushrooms at pwede nang i-serve!

Sa tuwing sasapit ang ber-months ay sino ba naman ang hindi maghahanap ng Bibingka at ang ma­lupit nitong ka-tandem na Puto Bumbong, habang nag­lalakad ka pauwi at maamoy mo lang ang nasusunog na dahon ng saging na kinalalagyan ng bibingka ay alam mong malapit na nga ang Pasko.

Walang buhay at malungkot ang isang Puto ­Bumbong kung wala ang Bibingka, magka-partner kasi ­talaga sila maski itanong mo pa sa mga tindahan nila, so para maging happy together silang dalawa ay ­ganito ang paggawa ng Bibingka.

Bibingka
Bibingka

Ang mga sangkap sa paggawa nito ay ang mga ­sumusunod: 1 cup rice flour, 3/4 cup granulated sugar,­ 2 tsp. baking powder, 3 eggs, 1 cup coconut milk, 1/4 cup fresh milk o evaporated milk, 1/4 cup softened butter + additional for brushing, grated cheese para toppings (optional), isang salted eggs na slice na at banana leaves.

Pagsamahin ang butter at asukal habang hinahalo­ saka ilagay ang itlog, unti-unting idagdag ang rice flour at baking powder saka ilagay ang coconut milk o gata at gatas, balitin o haluin ito hanggang sa ma­ging smooth, ihilera ang mga bilog na pans na may banana leaves (brushed with butter) saka ibuhos ang mixture sa pan, i-bake ito sa loob ng oven na may 375 degrees F sa loob ng 20 minuto.

Tanggalin sa oven at ilagay sa ibabaw ang itlog na maalat saka ibalik na muli sa loob ng oven at muling iluto sa loob ng 10 hanggang 15 minuto o hanggang ang kulay ng ibabaw nito ay maging medium brown, tanggalin ito sa oven saka lagyan ng butter sa ibabaw nito at lagyan din ng grated coconut o cheese at pagkatapos ay kainin at ubusin!! Enjoy!!

Puto Bumbong
Puto Bumbong

Ang mga sangkap sa paggawa nito ay ang mga sumusunod: Isang kilong galapong (glutinous rice) o malagkit na may halong 125 grams ng ordinary rice, 1/5 tsp. purple o violet food coloring, Pandan leaves, asin, isang pirasong shredded mature coconut, butter o margarine, banana leaves, tubig at asukal.

Ibabad ang galapong at ihalo ito sa ordinary rice sa tubig na may asin kasama ang purple o violet na food coloring sa pamamagitan ng pagpiga nito gamit ang matigas na bagay sa loob ng isa hanggang apat na oras, ilagay ang mixture sa loob ng flour sack at ­hayaang matuyo sa magdamag.

Tanggalin ang excess water, durugin o gilingin ng marahan ang mixture at siguraduhing hindi makapagdadagdag ng sobrang tubig habang isinasagawa ang proseso dahil kapag nasobrahan sa tubig ay mas tatagal ang pagpapatuyo nito at napapalagkit din nito ang mixture kapag nasobrahan sa tubig.

Anyway, ilgay ang milled ingredients sa cotton cloth at itali ang mag­kabilang dulo nito at hayaang pumatak-patak, kapag ang mixture ay medyo tuyo na ay piga-pigain pa ito habang nasa loob pa rin ng cotton cloth hanggang lalo pang matanggal ang mga natitirang tubig at hayaang muli sa magdamag.

Isantabi muna ang nasabing ­mixture dahil ayos na ito sa paglulutong gagawin mo kinaumagahan, samantala ay ila­gay ang Pandan Leaves sa tubig upang maihanda ito para sa steaming, painitin ang Bumbong Steamer o mas kilala sa tawag na Lansungan at lagyan ng kaun­ting tubig.

Ibalot ang bamboo tubes o mas kilala sa tawag na Bumbong (marami nitong nabibili sa Divisoria, ahahaha!) ng tela upang maprotektahan ang kamay sa pagkapaso, lagyan ng kaunting Galapong at Rice Mixture ang bamboo tubes nang hindi ito binabalot.

Pagkatapos ay saka punuin ng hanggang ¾ ang bamboo tubes at i-steam sa loob ng ilang minuto hanggang maluto, huwag kalimutang ibaliktad-baliktad ang bamboo tubes upang maluto ang lahat ng bahagi nito, kapag OK na ay marahang tanggalin ang tube sa steamer at itaktak ang kabilang dulo nito upang lumabas ang Puto Bumbong at pagkatapos ay isalansan ito sa ­pirasong ­dahon ng saging o plato at budburan ng ­grated coconut o niyog, asukal at butter o margarine.

At pagkatapos mong gawin lahat ng ito ay lantakan mo agad! Napagod ka sa pagluluto eh, sigurado gutom ka na, at kung halimbawa namang tinatamad kang gawin lahat ng proseso sa paggawa ng Puto Bumbong at Bibingka, eh pwede ka namang bumili na lang sa mga nakapaligid na malapit na mga simbahan sa inyong lugar. Ahahaha!!!

Kapag naghanda ka ng relleno ma­ging ito man ay gawa sa isda o manok ay nagpapakita lamang ito na espesyal­ talaga ang gaganaping handaan dahil hindi basta-basta naluluto ito ng ­mabilis kailangan ng medyo matagal na oras, pasensiya at sempre pagmamahal, Naks!!

Rellenong Manok
Rellenong Manok

Ang mga sangkap sa paggawa nito ay ang mga sumusunod: 1 small chicken,­ (deboned), 8 oz bottle Sprite, 1/4 cup banana catsup, 1/4 cup soy sauce, 3 pcs. Chicken bouillon cubes (crushed), 1 1/2 tsp. pepper, 1/4 cup groud pork, 3 pcs egg, (lightly beaten), 3 sliced ham (diced), 1/2 cup cheese (grated), 3/4 cup raisins, 1 pc. Small onion (chopped) 1 pc. Bayleaf, ¼ tsp pepper, 2 pcs. Hard boiled eggs ­(quartered).

Ibabad o i-marinate ang deboned chicken sa Sprite, ketsup, toyo, bouillon cubes at paminta sa buong magdamag, i-drain ito at ihanda ng manok para maisailalim na ito sa stuffing, ilagay sa loob nito ang giniling na baboy, quartered eggs, grated chees, ham, mga pasas, sibuyas, bay leaf at paminta, ground pork, quartered eggs, grated cheese, ham, mga pasas, mga sibuyas, bay leaf at paminta, tahiin­ ang dulo nito at i-bake sa loob ng 30 hanggang 45 minuto sa oven na nasa 350 F, pagkatapos ay i-sliced saka i-serve!!! The Best ang Rellenong Manok kapag may liver sauce!

Ito ang karaniwang pangunahing ulam sa gitna ng mga handaan katulad ng birthday, kasal at anumang mga okasyon na maaari mong isipin at sa lutong ng balat at linamnam ng laman nito ay mula sa mga lumipas na hene­rasyon ay hinding-hindi ito nalalaos.

Crispy Lechong Baboy
Crispy Lechong Baboy

Ang mga sangkap sa pagkagawa nito ay ang mga sumusunod: isang buong baboy na may bigat na 25-35 ­kilos, para sa Stuffing: salt at black pepper, pitong pirasong bay leaves, 10-20 bundles ng lemon grass, limang cup ng peeled garlic, 1 kilong spring onions,­ 5 pirasong malaking red ­onions at para naman sa pangpakintab ay isang Sprite Softdrinks o soy sauce o evaporated milk.

Una, kailangan mong tanggalin ang dugo ng baboy na pwede mo namang gamitin sa paggawa ng dinuguan, hugasan ang buong baboy ng mainit na tubig saka tanggalin sa pamamagitan ng paggupit at pag-ahit ang lahat ng mga balahibo nito, pagkatapos ay hugasan ang baboy at tanggalin lahat ng lamang loob nito at mu­ling hugasan, hayaang ma-drain ito sa loob ng isa o dalawang oras bago ilagay ang mga palaman sa loob ng tiyan nito.

Pagkatapos na matuyo na ay kuskusin ng asin at paminta ang loob at labas ng baboy saka ituhog sa malaking kawayan at ilagay sa loob ng baboy ang bay leaves, lemon grass, bawang, spring onions at red onions, siguraduhing nasa loob na ng baboy ang lahat ng ingredients saka ito tahiing mabuti.

Ipahid sa balat ng baboy ang Sprite o maari ring pumili sa soy sauce o gatas, ito ay nagbibigay ng parehong resulta na siyang nagpapakintab at nagpapalutong sa balat ng lechon, umpi­sahan itong iihaw sa pamamagitan ng pag-ikot-ikot nito habang nasa kawa­yan, siguraduhing luto ang bawat parte nito at pagkatapos ay pwede nang lantakan at ihain sa gitna ng lamesa, para sa magandang presentasyon ay pwede rin itong lagyan ng mansanas sa bibig.

Ingat lang sa pagkain ng lechon dahil nakakahigh blood ito, so hanggang dito na lang… Enjoy eating! At Maligayang Pasko sa ating Lahat!