Tulad ng teammate na si Asi Taulava, magiging farewell conference na rin ni Cyrus Baguio ang Philippine Cup na magpapasimula sa PBA 45th Season sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
Binigyan ng six-month deal si Baguio, pagkatapos ng all-Filipino ay magre-retire na kasama si Asi na 47 na noong March 2.
Si Baguio ay 40 na rin sa August 19.
Sa taas na 6-foot-2, kilala sa kanyang leaping abilities si Baguio, nang kapanahunan ay kilala sa mga acrobatic moves na nagbigay sa kanya ng moniker na ‘Skyrus’.
Mula UST, tinapik ng Red Bull si Baguio bilang 14th pick overall noong 2003.
Pagkatapos ng limang seasons sa Barako, naglaro siya sa Burger King, Ginebra, Alaska at Phoenix bago napunta ng Road Warriors noong 2017.
Three-time PBA champion si Baguio, 11-time All-Star, Co-Finals MVP ni LA Tenorio noong 2010 Fiesta Conference, Most Improved Player noong 2008, PBA Sportsmanship Awardee noong 2010 at Slam Dunk champion noong 2004.
Pinapirma rin ng NLEX ng tig-isang taong kontrata sina Papot Paredes at Kyles Lao.
Magagamit si Paredes sa frontcourt sa pagkawala ni Poy Erram na nai-trade na sa TNT. Makakasama niya sina veterans JR Quinahan at Taulava, Michael Miranda, Raoul Soyud at Kris Porter.
Dagdag kina main men Kiefer Ravena at Kevin Alas sa backcourt si Lao, kasama sina Philip Paniamogan, Jericho Cruz at parating na rookies na sina Mike Ayonayon William McAloney na parehong tinatapos pa ang paglalaro sa MPBL. (Vladi Eduarte)