Maraming nagtatanong kung ano ang magandang bloodline, madalas kasi matanong sa akin yan ng mga kakilala kong sabungero, marahil gusto nila mag-breed ng bloodline na mabilis mabenta o gusto nila ‘yung malaki ang chance na manalo dahil halos araw-araw ay naglalaban sila.

Mga klasmeyt depende yan sa alaga mo, kung nagpapanalo mga palahi mo at maayos ang alaga kahit anong bloodline pa ‘yan ay siguradong mabibili.

Sa ngayon mga klasmeyt ang madalas hanapin ng mga breeder ay mga Sweater kasi maraming sabungero na gustong-gusto ang fighting style ng Sweater. Grabe kasi ang character ng Sweater bukod sa may power eh taas at baba kung maglaro kaya isa sila sa mga kinakatakutan sa laban.

Sa itsura pa lang masisindak ka na kasi mahahaba ang kanilang mga balahibo lalo na ang kanilang buntot, dilaw ang kanilang mga paa. Isa sa nagpasikat ng Sweater ay si Johnny Jumper.

Pero gaya ng sinabi ko kahit mga ibang bloodline ay puwedeng magpanalo basta maayos ang alaga mo sa manok.
***

Good luck sa mga tropa nating sabungero na maglalaban sa Linggo sa Mandaluyong. Sana manalo ang mga manok niyo, kaya niyo yan, tiyagaan lang sa pag-ulot.
***

Congratulations sa kumpare kong si Ernesto “On-On” Sta. Ana nag-champion sa 3-Cock Super Ulutan sa Sta. Maria, Ilocos Sur, hangga’t nagpapanalo laban lang ng laban.