SWEEP!

Gilas Indonesia

FINAL STANDING
TEAM            W L
Philippines     6 0
Indonesia       5 1
Thailand        4 2
Malaysia        3 3
Singapore       2 4
Vietnam         1 5
Myanmar         0 6

SEABA Gilas Indonesia
Hinaras ni Jayson Castro ng Gilas Pilipinas mula sa likuran ang nagdi­dribol na si Mario Wuysang ng Indonesia sa final game kagabi ng ­SEABA men’s championship sa Araneta Coliseum. (Patrick Adalin)

Nagsama-sama ang patunay ni Andray Blatche na may ibubuga pa siya bilang naturalized player, pagbanda ni June Mar Fajardo sa pagiging reigning three-time MVP sa PBA at paglaladlad ni ­Jayson William Castro na two-time best Asian guard.

Kaya dinismantel ng Gilas Pilipinas ang ­Indonesia, 97-64, pa-sweep at paupo sa trono sa wakas kagabi ng 12th SEABA Men’s Championship sa Araneta Coliseum kasabay sa pag-abante sa 29th FIBA Asia Cup sa Lebanon sa Aug. 10-20 na 18th World Cup qualifying event.

Yumari ang nahirang na best player of the game na si Blatche ng 21 points at 10 rebounds sa pagbabalik-aksyon tapos ipahinga kamaka­lawa ang kanyang mild hamstring, rumolyo si Castro ng 14 markers si Castro at ­bumambo si ­Fajardo ng 13 points sa ­paggalamay nila sa sixth straight ­victory ng home squad tungo sa eight gold at one ­silver medals sa ­biennial hoopfest.

Sa kabuuan, may 58.6 winning margin ang ­Nationals sa mga ­pinagtatagpas na anim na mga oposisyon sa ­seven-nation, weeklong meet.

Dinominang buo ng Malaysia ang Myanmar, 96-71, para sa fourth place sa 3-3 record at pinalasap sa Burmese ang sixth straight loss para mangulelat sa seven-­team, weeklong event.

Napunta sa Thailand ang bronze na may 4-2.

At umarangkada ­naman sa final frame ang Singapore upang magarote ang Vietnam, 73-60, para sa mag-fifth sa 2-4 record at sinalya ang biktima sa sixth sa 1-5.

Ang mga iskor:

Second game

SINGAPORE 73 — Goh 15, Kwek 15, Liew 15, Chia 10, Ng H 7, Raj 6, Wong 5, Cheok 0, Ng J 0, Lim 0.

VIETNAM 60 — Trieu 17, To 10, Nguyen V 9, Tran 8, Le N 6, Le P 5, Dang 2, Nguyen T 2, Nguyen H 1.

Quarters: 18-17, 29-29, 47-47, 73-60.

Third game

PHILIPPINES 97 — Blatche 21, ­Castro William 14, Fajardo 13, Wright 9, Rosario 9, Agui­lar 6, Jalalon 6, Romeo 6, Pogoy 5, Abueva 5, Malicsi 3, Almazan 0

INDONESIA 64 — Wisnu 11, Wuysang 10, Setipu 8, Grahita 8, ­Pratama 8, Kurniawan 7, Sitorus 4, Johnson 4, Nugroho 2, Dhyaksa 2, Lakudu 0

Quarters: 34-14, 51-30, 78-47, 97-64.