SWEETHEART DEAL NAAAMOY NA!

Nangangamoy na nga ba ang sweetheart deal sa kaso ni Janet Napoles?

Kahapon, ilang mam­babatas ang nagpahayag ng pagkabahala sa pagkakaabsuwelto sa tinaguriang Pork Barrel Queen na si Janet Napoles sa kasong serious illegal detention.

Magugunitang si Napoles ay nag-convict sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Benhur Luy noong 2013.

Ginawa umano ni Napoles ang ilegal na pagdetine sa kanyang dating katiwalang si Luy upang hindi ito makapagsumbong kung paano hinokus-pokus ng negosyante ang bilyong pisong Priority ­Development Assistance Fund (PDAF) ng mga ­senador at kongresista.

Sa inilabas na desisyon ng Court of Appeals (CA) kahapon, binaligtad nila ang desisyon ng Makati Regional Trial Court dahil lumabas umano sa imbestigasyon na walang sapilitang detensyon.

“Masamang senyales ito dahil nangangahulugan na hindi pinaniniwa­laan ng korte ang testimonya ni Luy na siya ring key witness sa mga PDAF cases,” ani Sen. Kiko Pangilinan, ­pangulo ng Liberal Party.

Maging si Sen. Risa Hontiveros ay nagsabing hindi na rin malayong maabsuwelto si Napoles sa pork barrel scam cases nito.

“Pork barrel queen ­Janet Lim Napoles is just a breath away from freedom,” ani Hontiveros.

“With the help of no less than the country’s Solicitor General, the acquittal of Napoles from her illegal detention case ­seriously undermined the ­credibility of state witness Benhur Luy whose testimony is the ­only thing keeping her and the accused high-profile public officials in jail,” ani Hontiveros.

Sa Kamara, halos ganito rin ang opinyon ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.

“We must be very wary of this development because as things stand now many of those who have been charged of plundering the people’s coffers are getting off the hook. Dapat na magbantay at sabayan ng protesta ng taong ­bayan ang mga pangyayaring ito,” ani Zarate.

“It’s a disaster sa ating justice system. Tingin ko makakaapekto ‘yan sa plunder case n’ya ­dahil ­related ang kaso na ito. Mapapahina nito ang plunder case. Magpapahina ito sa plunder case,” ­pahayag naman ni Gabriela Rep. France Castro.

Habang si ­Akbayan party-list Rep. Harry Roque ay nangangambang gagamitin ng gobyerno si Napoles laban kay Sen. Leila de Lima.

“I am convinced that the government will use Janet Napoles in its on-going war on drugs,” ani Roque.

Samantala, agad namang isinantabi ni  Chief Presidential Legal ­Counsel Salvador ­Panelo ang espekulasyong may “sweetheart deal” ang ­administrasyong Duterte kay ­Napoles.

“The Duterte administration has never, will ­never and can never enter into sweetheart deals.

It’s very strict on the observance of the rule of law and following the Constitutional due process,” pagbibigay-diin ni Panelo sa isang ­panayam kahapon.