Nasa 45 na baboy ang namatay dahil sa panibagong kaso ng African Swine fever (ASF) sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa Provincial Veterenary Office-Pangasinan (PVO-Pang).
Ayon sa PVO-Pang, December 21 noong nakalipas na taon, nakapagtala ng pagkamatay ng mga baboy sa Brgy. Linoc, sa bayan ng Binmaley subalit hindi agad ito ini-report sa mga otoridad dahilan upang sunod-sunod na mamatay ang mga alagang baboy na kinalaunan ay inilibing sa bakuran ng mga namatayang hog raisers.
Sinabi ng ahensiya na nasa anim na hog raisers ang namatayan ng alagang baboy sa lugar.
Magsasagawa ng imbestigasyon ang mga kinauukulan kung paano muling nakapagtala ng ASF gayong sinasabing na-contain na ito. (Allan Bergonia)