NAPAPANAHON ang pelikulang Swipe (mula sa Viva Films at Aliud Entertainment) na tungkol sa epekto ng social media sa magkakapitbahay sa condo.

Sa istorya, gustong ipagpatuloy ni Leo (Luis Alandy) ang affair nila ni Loida (Mercedes CabĀ­ral).

Ayaw ni Loida dahil pauwi na ang asawa niyang OFW.

Nagbanta si Leo na ikakalat sa internet ang kanilang scandalicious video?

Si Frank (Gabby Eigenmann) ay isang executive na may asawa.

Tago ang kanyang pagiging confidently beautiful gay.

Mahilig siyang tuĀ­mingin sa mga gay social dating sites.

Nahulog ang loob niya sa hunk na si Josh (Rob Moya), na wagas ang pagiging user-friendly.

Si Janet (Meg Imperial) ay recovering drug addict.

Asawa niya si Edward (Alex Medina) at lumipat sila sa condo upang makapagbagong-buhay.

Ngunit malakas pa rin ang tukso kay Janet. Nagbababad siya sa internet para humanap ng sagot sa kanyang bisyo.

Ang sexy romance drama na ito ay idinirek ni Ed Lejano at palabas na sa mga sinehan.