Dumami pa ang bilang ng mga Pilipinong nagsabing sila ay nana­natiling mahirap, batay sa survey­ ng Social Weather­ ­Stations (SWS).

Sa resulta ng 1st Quarter 2017 Survey ng SWS, lumabas na 50 porsyento­ ng 1,200 respondents ang ikinukonsidera ang kanilang mga sarili na nasa hanay ng mahihirap.

Katumbas umano ito ng 11.5 milyong pamil­yang Pilipino sa buong bansa. Mas mataas ito kumpara sa naitalang 44 porsyento o katumbas ng 10 milyong pamilya noong Disyembre ng nakaraang taon.

Isinagawa ang survey simula noong Marso 25 hanggang 28 ng kasalukuyang taon.

Ayon pa sa survey, halos sa buong bansa nagkaroon ng pagtaas kung saan ay pinaka-marami sa ­Luzon ang umaming mahirap pa rin ang kanilang buhay.

Lumabas din sa survey na 8.1 milyong pa­milya ang nagsabing hirap sila sa pagkain. Mas mataas din ito kumpara sa 34 porsyento o 7.7 ­milyong pamilya na naitala noong Disyembre 2016.

One Response