Sylvia, Art nayayakap na ang mga anak

NI: RONA RONDA

Matapos ang ilang linggong pagsailalim sa quarantine nina Sylvia Sanchez at Art Atayde, nakasama na nilang muli ang kanilang nga anak. Tagumpay na nalabanan ng mag-asawa ang COVID-19 .Labis silang nagpapasalamat sa Diyos dahil makakasama na nila ang kanilang mga anak.

Ibinahagi ni Sylvia ang litrato sa kanyang Instagram account.

Aniya, “Praise and thank you GOD. After 1 month & 9 days, we can now hug, kiss, play, and eat together wd our kids.”

Inalala pa ng aktres ang lungkot na dinanas dahil hindi mayakap at mahalikan ang kanyang mga anak.

“Bilang isang ina, araw araw dinudurog puso ko pag naiisip ko na posible naming nahawa mga anak namin. Yan ang pinaka kinakatakutan ko habang nakikipaglaban kami mag asawa sa COVID, yan ang pinagdarasal ko araw araw sa hospital bed ko na sana wag mangyari,” paliwanag pa niya.

Sinagot umano ng Diyos ang kanilang panalangin at ngayon ay nayakap na nila ang kanilang mga anak.

Nagpasalamat din si Sylvia sa mga nagdasal para sa kagalingan nilang mag-asawa. Gayundin ang kanyang appreciation sa mga frontliner na nag-alaga sa kanila.

“Ngayon, haharapin namin ang buhay ulit nang magkakasama. At patuloy kong pinagdarasal na matapos na ang virus na to. In JESUS name! #blessed #priceless #family #happiness #mygreatestloves

#healtheworldLORD #thankuLORD,” pagtatapos ng aktres