Sylvia boto kay JM para kay Ria

Nagbigay ng panig si Sylvia Sanchez sa pagkaka-link ng kanyang anak (Ria) kay JM de Guzman.

Ibinuking ni Arci Muñoz na may ‘something’ between Ria Atayde at sa leading man niya sa “Last Fool Show” na si JM de Guzman.

Natatawa lang si Ibyang (Sylvia) sa ginawang pambubuko ni Arci tungkol sa dalawa.

Kabisado na raw kasi niya ang ugali ni Arci na bukod sa kikay ay napaka-taklesa.

Gayunpaman, ayaw niyang i-confirm o i-deny ang tungkol sa estado ng relasyon nina JM at Ria.

Hirit ng ina, hindi raw siya, nakikialam sa love life ng kanyang mga anak.
Sey pa niya, kung maligaya ang kanyang mga anak, suportado raw niya ang mga ito.

Hindi naman niya itinangging nagbo-bonding­ sila ni JM dahil nakaugalian na raw niyang gawin ito kapag may mga artistang makakasama siya sa isang teleserye.

Dagdag pa niya, kung liligawan daw ni JM si Ria ay okey lang sa kanya.­ Basta maganda ang intensyon nito sa kanyang dalaga.
Pahabol pa niya, 10 years nang magkaibigan sina JM at Ria kaya kumpor­table na ito sa isa’t isa. (Archie Liao)