Sylvia sasaluhin ang bala para kay Arjo

Naging emosyonal at hindi na napigilang mapaiyak ni Sylvia Sanchez nang hingan siya ng reaksyon ng press people tungkol sa mga basher ng Atayde family. Mula kasi nang ma-link si Arjo kay Maine Mendoza ay hindi na sila tinigilan ng mga fan ng AlDub. Mas lumala pa nang umamin ang aktor na exclusively dating na sila ni Maine.
Umabot pala sa puntong nakakatanggap na ng death threat ang pamilya.

 

“Papatayin daw si Arjo, si Ria, ako. Isang bala lang daw ako ganun din sa mga anak ko.”

 

“Ako na lang ang alipustahin niyo, ako na lang ang patayin niyo huwag ang mga anak ko,” patuloy ng aktres sa mga basher. Hindi naman daw niya nilalahat ang mga AlDub fan pero sana raw ay maging malawak ang pang-unawa ng iba.

 

“September pa ang death threat, hindi ako nagsalita.”

 

“Sa mga Aldub Nation alam ko hindi kayo lahat masasama, may mga good heart pa rin sa inyo at nagpapasalamat ako.

 

“Sa akin na lang ‘yung bala na para sa mga anak ko.Nakikiusap ako sa inyo bilang ina, spare my kids.”

 

Bida si Sylvia sa pelikulang Jesusa kasama sina Allen Dizon, Ynez Veneracion, Uno Santiago, Beverly Salviejo, Malu Barry, Vince Tanada at iba pa sa direksyon ni Ronald Carballo.