Usap-usapan ngayon sa South Korea ang dating rumor sa pagitan ni T.O.P. ng BIGBANG at ang contestant last year ng “Love Catcher 2” na si Kim Ga Bin.

Ang Chinese media outlet na “Sina” ang naglabas ng report. Pinag-uusapan nga raw online ang diumano’y pagdi-date nila.

Maugong ang tsismis na may relasyon ang dalawa.

Given na naman na anything about the members of BIGBANG ay nagiging isang malaking balita. Lalo na siyempre kung malalamang may ka-date sila.

May inilabas ang Sina ng mga picture. Nakangiti si T.O.P. at ang kamay nito ay nasa balikat ni Ga Bin. Na-upload din daw ito sa Instagram ni Ga Bin, pero dinilete rin.

Bukod pa rito, may post din daw si Ga Bin ng room na makikita ang ocean view. Halos kapareho rin daw ang view ng karagatan na pinost naman ni T.O.P. sa sarili niyang IG account.

May balita rin na kesyo matching pajamas din daw ang dalawa.

Pareho namang walang kumpirmasyon o pagtanggi ang mga agency nila.

Ayon sa agency ni Ga Bin na SM C&C , “We cannot confirm the report. We ask for your kind understanding.”

Halos ganito rin ang sagot ng agency ni T.O.P. na YG Entertainment .Ayaw raw nilang panghimasukan ang isyu dahil personal na buhay niya raw ito.

“We cannot confirm the details of our artist’s personal life. We ask for your understanding.”

Sa isang banda, natuwa naman ang ilang mga netizen sa mga naging pahayag ng agency ng dalawa na huwag na raw pakialaman ang lovelife nila. Lalo na sa part ni T.O.P. na 32 taon na.

Paglilinaw naman ng kapatid ni Kim Ga Bin sa pamamagitan ng Instagram account niya na siya ang kasama at hindi si T.O.P.

“I took the photo of her on a family vacation, and I bought the Venus pajamas for her when I was buying my own too. It’s a really popular pajama. Fans of T.O.P can also go to the Venus store and buy the same ones to wear. Should I print a receipt of my credit card? Do I need to search who wore the same pajamas before buying them?”

Binigyaan din niya na, “I’ll tell you that they are definitely not dating. The photos were just taken at a gathering of actors and acquaintances.”