T-shirt, maong jeans puwede kahit anong okasyon

Marami sa mga kalalakihan ngayon ang wagas kung pumorma.

Kahit mainit basta ‘in’ sa pananamit ay balewala kahit tagaktak-pawis. Taliwas ito sa ilang mga comfort before fashion. Plain t-shirt lang at jeans ay rampa na at sugod sa barkada.

Pero sa kabila ng kasimplehan ay may hatid na kakaibang aura ang simpleng t-shirt at maong jeans.

‘Wag ismolin ang simpleng kamiseta at maong dahil hindi ito nalalaos. Hindi mo na kailangan pang bumili ng mamahaling polo at pantalon.

I-mix and match lang ang denim sa plain white t-shirt. Puwedeng-puwede ito sa rampahan at kung pupunta sa disenteng gimikan ay puwedeng ternohan ng denim jacket.

Kung type mo namang maging pop ang iyong outfit ay puwede mo itong patungan ng floral o mga printed polo.

Kung yayamanin naman at pormal-pormalan ang peg, para hindi magmukhang boring ay suotan lang ng blazer or vest. (Ai­den Episcope)