Nakapagtala muli ng volcanic earthquake­ ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras kasabay ng pagbuga ng usok, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, ang nai-rekord na 34 lindol ay magkakasunod na nangyari sa pagitan ng 6 oras. Ang pagyanig ay maaaring sanhi ng paggalaw ng mga bato sa loob at paligid ng Taal.

Sa pagitan naman­ ng alas-nuwebe Miyerkoles ng gabi hanggang alas-tres ng madaling-araw ng Huwebes naitala ang pag­labas ng steam laden plumes na may taas na 300 meter.

Ayon sa Phivolcs nanatiling nakataas­ ang alert level 2 sa Taal. (Tina ­Mendoza)