Taas singil sa kuryente ngayong Marso

Tataas ang singil sa sa kuryente nga­yong buwan ng 0.0894 sentimo per kilowatt hour dahil nagmahal ang presyo sa wholesale electricity spot market (WESM) bukod pa sa singil ng ancillary service charges ng Natio­nal Grid Corporation of the Philippines.

Sabi ng Meralco kahapon, nasa P10.4961 per kilowatt hour na ang sisingilin nito para sa kuryente nga­yong buwan mula sa P10.4067 per kilowatt hour noong Pebrero.
Para sa mga kumokonsumo ng 200kWh kada buwan, madadag­dagan ang kanilang monthly bill ng P18.

Ayon sa Meralco, nagmahal ang kur­yente sa WESM ng 0.5178 sentimo per kWh dahil naipit ang suplay nang madaming mga power generation plants ang nagka-outage. Nagmahal din ng 5.49 sentimo ang singil ng mga independent power producers (IPPs).

Nagmahal naman ang transmission charge ng NGCP ng P0.0288 per kWh at ang mga bayarin sa buwis at iba pang charge­s ay nagmahal naman ng 35.72 sentimo per kWh.
Ang dagdag na si­ngil ay didiretso sa NGCP, WESM at mga IPP.